Lumaktaw sa nilalaman

Gilead

80 verses · 2 known names

Kilala rin bilang: Gileadites

32.0400, 35.7200 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Gilead

Salain ayon sa aklat
  1. Saka sila nagsiparoon sa Galaad, at sa lupain ng Tatimhodsi; at sila'y nagsidating sa Dan-jaan at sa palibot hanggang sa Sidon.

  2. Si Ben-geber, sa Ramoth-galaad; (sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, na nasa Galaad; sa makatuwid baga'y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob, na nasa Basan, anim na pung malaking bayan na may mga kuta at mga halang na tanso:)

  3. Si Geber, na anak ni Uri sa lupain ng Galaad, na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ni Og na hari sa Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon.

  4. At si Elias na Thisbita, na sa mga nakikipamayan sa Galaad, ay nagsabi kay Achab: Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita.

  5. Mula sa Jordan, hanggang sa silanganan, ang buong lupain ng Galaad, ang mga Gadita, at ang mga Rubenita at ang mga Manasita, mula sa Aroer, na nasa siping ng libis ng Arnon, hanggang sa Galaad at Basan.

  6. At si Peka na anak ni Remalias, na kaniyang punong kawal, ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa Samaria, sa castilyo ng bahay ng hari, na kasama si Argob at si Ariph; at kasama niya'y limangpung lalake na mga Galaadita: at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya.

  7. Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang Ihion, at ang Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang Cedes, at ang Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria.

  8. At naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawang pu't tatlong bayan sa lupain ng Galaad.

  9. At sa dakong silanganan ay tumahan hanggang sa pasukan sa ilang na mula sa ilog Eufrates, sapagka't ang kanilang mga hayop ay dumami sa lupain ng Galaad.

  10. At sa mga kaarawan ni Saul ay nakipagdigma sila sa mga Hagreo, na nangahulog sa kanilang kamay; at sila'y nagsitahan sa kanilang mga tolda sa buong lupaing silanganan ng Galaad.

  11. At sila'y nagsitahan sa Galaad sa Basan, at sa kaniyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Saron, na kasinglayo ng kanilang mga hangganan.

  12. At mula sa lipi ni Gad; ang Ramot sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, at ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon,

  13. Sa mga Hebronita ay si Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa Jazer ng Galaad.

  14. Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.

  15. Galaad ay akin, at Manases ay akin; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo; Juda ay aking setro.

  16. Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juda'y aking cetro.

  17. Narito, ikaw ay maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong lambong: ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng Galaad.

  18. Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad.

  19. Wala bagang balsamo sa Galaad? wala bagang manggagamot doon? bakit nga hindi gumaling ang anak na babae ng aking bayan?

  20. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, Ikaw ay Galaad sa akin, at ulo ng Libano; gayon ma'y tunay na gagawin kitang isang ilang, at mga bayang hindi tinatahanan.

  21. Sumampa ka sa Galaad, at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling.

  22. At aking dadalhin uli ang Israel sa kaniyang pastulan, at siya'y sasabsab sa Carmel at sa Basan, at ang kaniyang kalooban ay masisiyahan sa mga burol ng Ephraim at sa Galaad.

  23. At ang dakong silanganan, ang pagitan ng Hauran at ng Damasco at ng Galaad, at ang lupain ng Israel, ay siyang magiging Jordan; mula sa hilagaang hangganan hanggang sa silanganang dagat ay inyong susukatin. Ito ang dakong silanganan.

  24. Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo.

  25. Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.