Lumaktaw sa nilalaman

Jeremiah

124 talata · 1 kapamilya

Kilala rin bilang: Jeremy, Jeremias

Mga talatang bumabanggit kay Jeremiah

Salain ayon sa aklat
  1. Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.

  2. At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim: at siya'y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias:

  3. Nguni't ang kamay ni Ahicam na anak ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya.

  4. Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

  5. Nang magkagayo'y nagsabi ang propeta Jeremias sa propeta Hananias sa harapan ng mga saserdote, at sa harapan ng buong bayan, na nakatayo sa bahay ng Panginoon,

  6. Sinabi nga ng propeta Jeremias, Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito.

  7. Nang magkagayo'y kinuha ng propeta Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, at binali.

  8. At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan, na nagsasabi: Ganito ang sabi ng Panginoon, Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap sa batok ng lahat na bansa. At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad.

  9. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, na nagsasabi,

  10. Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.

  11. Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa mga matanda sa pagkabihag, at sa mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem:

  12. Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,

  13. At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta.

  14. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,

  15. Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

  16. Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon nang ikasangpung taon ni Sedechias na hari sa Juda na siyang ikalabing walong taon ni Nabucodonosor.

  17. Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda.

  18. At sinabi ni Jeremias, Ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin, na nagsasabi:

  19. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,

  20. Bukod dito'y dumating na ikalawa ang salita ng Panginoon kay Jeremias, samantalang nakukulong pa siya sa looban ng bantayan, na nagsasabi,

  21. At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi,

  22. At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi,

  23. Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang buo niyang hukbo, at ang lahat na kaharian sa lupa na nangasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan, at ang lahat na bayan, ay nakipagbaka laban sa Jerusalem, at laban sa lahat ng mga bayan niyaon, na nagsasabi,

  24. Nang magkagayo'y sinalita ni Jeremias na propeta ang lahat ng salitang ito kay Sedechias na hari sa Juda sa Jerusalem,

  25. Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, pagkatapos na makipagtipan ang haring Sedechias, sa buong bayan na nasa Jerusalem upang magtanyag ng kalayaan sa kanila;