God
Mga talatang bumabanggit kay God
Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.
At tinimbang sa kanila ang pilak, at ang ginto, at ang mga sisidlan, sa makatuwid baga'y ang handog sa bahay ng ating Dios, na pinaghandugan ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng buong Israel na nakaharap doon:
At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.
Magsipagbantay kayo, at ingatan ninyo, hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, sa Jerusalem, sa mga silid ng bahay ng Panginoon.
Sa gayo'y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto, at ng mga sisidlan, upang dalhin sa Jerusalem, sa bahay ng ating Dios.
Nang magkagayo'y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng Ahava, nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan, upang pumaroon sa Jerusalem: at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin, at iniligtas niya tayo sa kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan.
At nang ikaapat na araw, ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni Meremoth na anak ni Urias na saserdote (at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees; at kasama nila si Jozabad na anak ni Jesua, at si Noadias na anak ni Binnui, na mga Levita)
Ang mga anak sa pagkabihag, na nagsipanggaling sa pagkatapon, ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel, labing dalawang toro sa ganang buong Israel, siyam na pu't anim na lalaking tupa, pitong pu't pitong kordero, labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: lahat ng ito'y handog na susunugin sa Panginoon.
At kanilang ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari, at sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog: at kanilang pinasulong ang bayan at ang bahay ng Dios.
Nang magkagayo'y nagpipisan sa akin ang lahat na nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel, dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag; at ako'y naupong natitigilan hanggang sa pagaalay sa hapon.
At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba, na hapak ang aking suot at ang aking balabal; at ako'y lumuhod ng aking mga tuhod, at iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios;
At aking sinabi, Oh aking Dios; ako'y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo, na aking Dios: sapagka't ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo, at ang aming sala ay umabot hanggang sa langit.
At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios, upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang pako sa kaniyang dakong banal, upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata, at bigyan kami ng kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin.
Sapagka't kami ay mga alipin; gayon ma'y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin, kundi naggawad ng kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia, upang bigyan kami ng kabuhayan, upang itayo ang bahay ng aming Dios, at upang husayin ang sira niyaon, at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem.
At ngayon, Oh aming Dios, ano ang aming sasabihin pagkatapos nito? sapagka't aming pinabayaan ang iyong mga utos.
Na iyong iniutos sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsasabi, Ang lupain, na inyong pinaroroonan upang ariin, ay maruming lupain dahil sa mga karumihan ng mga bayan ng mga lupain, dahil sa kanilang mga karumaldumal, na pinuno sa dulo't dulo ng kanilang karumihan.
At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa, at dahil sa aming malaking sala, sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin, ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan, at binigyan mo kami ng ganitong nalabi.
Amin ba uling sisirain ang iyong mga utos, at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumaldumal na ito? hindi ka ba magagalit sa amin hanggang sa inyong malipol kami, na anopa't huwag magkaroon ng nalabi, o ng sinomang nakatanan.
Oh Panginoon, na Dios ng Israel, ikaw ay matuwid, sapagka't kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan, na gaya sa araw na ito: narito, kami ay nangasa harap mo sa aming sala; sapagka't walang makatatayo sa harap mo dahil dito.
Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam.
At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito.
Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan.
Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.
Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan): at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios, na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.
Ngayon nga'y mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.