Lumaktaw sa nilalaman

God

11,427 talata · 2 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay God

Salain ayon sa aklat
  1. At ang mga anak ni Israel, na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag, at yaong lahat na sa kanila'y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain, upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsikain.

  2. At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan: sapagka't pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila, upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios, ng Dios ng Israel.

  3. Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia. At siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel: at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan, ayon sa kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya.

  4. Sapagka't sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya.

  5. Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan.

  6. Ito nga ang salin ng sulat na ibinigay ng haring Artajerjes kay Ezra na saserdote, na kalihim, na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon, at ng kaniyang mga palatuntunan sa Israel.

  7. Si Artajerjes, na hari ng mga hari, kay Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, na sakdal at iba pa.

  8. Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang pitong kasangguni, upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem, ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay;

  9. At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem.

  10. At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia, pati ng kusang handog ng bayan, at ng mga saserdote, na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem;

  11. Kaya't ibibili mo ng buong sikap ang salaping ito ng mga toro, mga lalaking tupa, mga kordero, pati ng mga handog na harina at ng mga handog na inumin ng mga yaon, at iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana ng bahay ng inyong Dios na nasa Jerusalem.

  12. At anomang akalain mong mabuti at ng iyong mga kapatid na gawin sa labis sa pilak at ginto, gawin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Dios.

  13. At ang mga sisidlang nabigay sa iyo na ukol sa paglilingkod sa bahay ng iyong Dios, ibigay mo sa harap ng Dios sa Jerusalem.

  14. At anomang kakailanganin pa sa bahay ng iyong Dios, na ipagkakailangan mong ibigay, ibigay mo na mula sa bahay ng kayamanan ng hari.

  15. At ako, akong si Artajerjes na hari, nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog, na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, ibigay ng buong sikap,

  16. Anomang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit; sapagka't bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak?

  17. Pinatototohanan din naman namin sa inyo, na tungkol sa sinoman sa mga saserdote at mga Levita, mga mangaawit, mga tagatanod-pinto, mga Nethineo, o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios, ay hindi marapat na lapatan sila ng buwis, kabayaran, o upa.

  18. At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga magistrado, at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam.

  19. At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios, at ng kautusan ng hari, gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap, maging sa kamatayan, o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pag-aari, o sa pagkabilanggo.

  20. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng ating mga magulang, na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari, na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem:

  21. At nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari. At ako'y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin, at ako'y nagpisan mula sa Israel ng mga pangulong lalake upang magsiahong kasama ko.

  22. At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo, at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo, sa dako ng Casipia, upang sila'y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios.

  23. At ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino, sa mga anak ni Mahali, na anak ni Levi, na anak ni Israel; at si Serebias, pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid, labing walo:

  24. Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.

  25. Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya.