Skip to content

Abijah

20 talata · 9 kapamilya

Kilala rin bilang: Abijam, Abia

Mga talatang bumabanggit kay Abijah

  1. At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. At si Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

  2. Nang ikalabing walong taon nga ng haring Jeroboam, na anak ni Nabat, ay nagpasimula si Abiam na maghari sa Juda.

  3. At ang iba nga sa mga gawa ni Abiam, at ang lahat niyang ginagawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? At nagkaroon ng pagdidigmaan si Abiam at si Jeroboam.

  4. At si Abiam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya sa bayan ni David: at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

  5. At ang anak ni Solomon ay si Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;

  6. At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith.

  7. At inihalal ni Roboam si Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari.

  8. At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David: at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

  9. Nang ikalabing walong taon ng haring Jeroboam ay nagpasimula si Abias na maghari sa Juda.

  10. Tatlong taong naghari siya sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Michaia na anak ni Uriel na taga Gabaa. At nagkaroon ng digmaan si Abias at si Jeroboam.

  11. At si Abias ay nagpisan sa pakikipagbaka ng isang hukbo na matatapang na lalaking mangdidigma, na apat na raang libo, na mga piling lalake: at humanay si Jeroboam sa pakikipagbaka laban sa kaniya na may walong daang libo, na piling mga lalake, na mga makapangyarihang lalaking may tapang.

  12. At si Abias ay tumayo sa bundok ng Semaraim, na nasa lupaing maburol ng Ephraim, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Jeroboam at buong Israel;

  13. Nang magkagayo'y nagsihiyaw ang mga lalake ng Juda: at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda, nangyari, na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda.

  14. At pinatay sila ni Abias at ng kaniyang bayan ng malaking pagpatay: sa gayo'y nangabuwal na patay sa Israel ay limang daang libo na piling mga lalake.

  15. At hinabol ni Abias si Jeroboam, at inagawan siya ng mga bayan, ang Beth-el pati ng mga nayon niyaon, at ang Jesana pati ng mga nayon niyaon at ang Ephron pati ng mga nayon niyaon.

  16. Na hindi man nagsauling lakas si Jeroboam uli sa mga kaarawan ni Abias: at sinaktan siya ng Panginoon at siya'y namatay.

  17. Nguni't si Abias ay naging makapangyarihan, at nagasawa ng labing apat, at nagkaanak ng dalawang pu't dalawang lalake, at labing anim na babae.

  18. At ang iba sa mga gawa ni Abias, at ang kaniyang mga lakad, at ang kaniyang mga sabi ay nangakasulat sa kasaysayan ni Iddo na propeta.

  19. Sa gayo'y natulog si Abias na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa bayan ni David, at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. Nang kaniyang mga kaarawan ay tahimik ang lupain na sangpung taon.

  20. At naging anak ni Salomon si Reboam; at naging anak ni Reboam si Abias; at naging anak ni Abias si Asa;