Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Righteousness of God

73 talata · 46 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo.

  2. Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw: sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.

  3. Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,

  4. Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;

  5. Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga.

  6. Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.

  7. Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin;

  8. Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas,

  9. Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

  10. Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating: sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.

  11. Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.

  12. Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.

  13. Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas: ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.

  14. Sa harap ng Panginoon, sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan.

  15. Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak;

  16. Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

  17. Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.

  18. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.

  19. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

  20. Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.

  21. Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.

  22. Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.

  23. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.

  24. Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.

  25. Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.