Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Righteousness of God: Acknowledge, though the wicked prosper
Mga talata tungkol sa Acknowledge, though the wicked prosper
Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga.
Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin;
Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas,
Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?