Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Esau

47 talata · 17 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Ang mga anak ni Eser: si Bilham, at si Zaavan, at si Jaacan. Ang mga anak ni Disan: si Hus at si Aran.

  2. Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

  3. At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya.

  4. At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya.

  5. At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith.

  6. At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya.

  7. At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.

  8. At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.

  9. At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.

  10. At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh;

  11. Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon;

  12. Ang pangulong Chenaz, ang pangulong Theman, ang pangulong Mibzar;

  13. Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Iram. Ito ang mga pangulo ng Edom.

  14. Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?

  15. At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.

  16. Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.

  17. Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.

  18. Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.

  19. Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.

  20. At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.

  21. At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.

  22. At silang sa Timugan, ay mangagaari ng bundok ng Esau, at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.