Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Esau: Sells his birthright for a mess of pottage

6 talata · 17 aspeto

Mga talata tungkol sa Sells his birthright for a mess of pottage

  1. At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:

  2. At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.

  3. At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.

  4. At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?

  5. At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.

  6. At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.