Lumaktaw sa nilalaman

circa 6 BC – AD 30

The Life of Jesus

The eternal Son of God enters history: born in Bethlehem, baptized in the Jordan, crucified at Golgotha, raised on the third day.

3,779 talata · 4 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Mateo 22:23mga AD 33

    Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,

  2. Mateo 22:24mga AD 33

    Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.

  3. Mateo 22:25mga AD 33

    Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;

  4. Mateo 22:26mga AD 33

    Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.

  5. Mateo 22:27mga AD 33

    At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.

  6. Mateo 22:28mga AD 33

    Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.

  7. Mateo 22:29mga AD 33

    Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.

  8. Mateo 22:30mga AD 33

    Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.

  9. Mateo 22:31mga AD 33

    Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,

  10. Mateo 22:32mga AD 33

    Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.

  11. Mateo 22:33mga AD 33

    At nang marinig ito ng karamihan ay nangagtaka sa kaniyang aral.

  12. Mateo 22:34mga AD 33

    Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.

  13. Mateo 22:35mga AD 33

    At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:

  14. Mateo 22:36mga AD 33

    Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?

  15. Mateo 22:37mga AD 33

    At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.

  16. Mateo 22:38mga AD 33

    Ito ang dakila at pangunang utos.

  17. Mateo 22:39mga AD 33

    At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

  18. Mateo 22:40mga AD 33

    Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.

  19. Mateo 22:41mga AD 33

    Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong.

  20. Mateo 22:42mga AD 33

    Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David.

  21. Mateo 22:43mga AD 33

    Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,

  22. Mateo 22:44mga AD 33

    Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?

  23. Mateo 22:45mga AD 33

    Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?

  24. Mateo 22:46mga AD 33

    At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.

  25. Mateo 23:1mga AD 33

    Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,