Skip to content
Genesis 35:18-28

Genesis 35:18-28

18
At nangyari, nang nalalagot ang kaniyang hininga (sapagka't namatay siya), ay kaniyang pinanganlang Benoni: datapuwa't pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin.
19
At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Ephrata (na siyang Bethlehem).
20
At nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng kaniyang libingan: na siyang batong pinakaalaala ng libingan ni Raquel hanggang ngayon.
21
At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder.
22
At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at ito'y nabalitaan ni Israel. Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob.
23
Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon.
24
Ang mga anak ni Raquel, ay: si Jose at si Benjamin:
25
At ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel, ay: si Dan at si Nephtali:
26
At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea, ay: si Gad at si Aser: ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram.
27
At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama, sa Mamre, sa Kiriat-arba (na siyang Hebron), na doon tumahan si Abraham at si Isaac.
28
At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain

Settings

Reading style

Typeface

Font size 19px

Reading width 75 chars

Options