Skip to content
Genesis 35:21-26

Genesis 35:21-26

21
At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder.
22
At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at ito'y nabalitaan ni Israel. Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob.
23
Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon.
24
Ang mga anak ni Raquel, ay: si Jose at si Benjamin:
25
At ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel, ay: si Dan at si Nephtali:
26
At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea, ay: si Gad at si Aser: ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram.
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Options