Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Seekers

165 talata · 1 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan;

  2. At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon.

  3. Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.

  4. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo.

  5. Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

  6. Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

  7. Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:

  8. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

  9. O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;

  10. O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?

  11. Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?

  12. Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.

  13. Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.

  14. At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan.

  15. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

  16. At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas?

  17. O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan?

  18. Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?

  19. Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.

  20. Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko.

  21. Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.

  22. Sapagka't alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos?

  23. Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya'y libakin,

  24. Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin.

  25. O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?