Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Prophets

655 talata · 128 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At nangyari, nang panahong yaon, nang si Jeroboam ay lumabas sa Jerusalem, na nasalubong siya sa daan ng propeta Ahias na Silonita; si Ahias nga ay may suot na bagong kasuutan; at silang dalawa ay nag-iisa sa parang.

  2. Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.

  3. Nguni't ang salita ng Dios ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na nagsasabi,

  4. At, narito, dumating ang isang lalake ng Dios na mula sa Juda ayon sa salita ng Panginoon sa Beth-el: at si Jeroboam ay nakatayo sa siping ng dambana upang magsunog ng kamangyan.

  5. At nangyari, samantalang sila'y nauupo sa dulang, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta na nagpabalik sa kaniya:

  6. At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y magiging hari sa bayang ito.

  7. At magdala ka ng sangpung tinapay, at mga munting tinapay, at isang bangang pulot, at paroon ka sa kaniya: kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.

  8. At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon, at naparoon sa Silo, at naparoon sa bahay ni Ahias. Si Ahias nga ay di na makakita; sapagka't ang kaniyang mga mata'y malabo na, dahil sa kaniyang gulang.

  9. At sinabi ng Panginoon kay Ahias, Narito, ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak; sapagka't siya'y may sakit: ganito't ganito ang iyong sasabihin sa kaniya: sapagka't mangyayari, pagka siya'y pumasok, na siya'y magpapakunwari na ibang babae.

  10. At ang salita ng Panginoon ay, dumating kay Jehu na anak ni Hanani, laban kay Baasa, na sinasabi,

  11. At bukod dito'y, sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani, ay dumating ang salita ng Panginoon laban kay Baasa, at laban sa kaniyang sangbahayan, dahil sa lahat na kasamaan na kaniyang ginawa sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit sa pamamagitan ng gawa ng kaniyang mga kamay, sa pagkagaya sa sangbahayan ni Jeroboam, at sapagka't sinaktan din niya siya.

  12. Ganito nilipol ni Zimri ang buong sangbahayan ni Baasa, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita laban kay Baasa, sa pamamagitan ni Jehu na propeta,

  13. At si Elias na Thisbita, na sa mga nakikipamayan sa Galaad, ay nagsabi kay Achab: Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita.

  14. At kinuha ni Elias ang bata, at ibinaba sa loob ng bahay na mula sa silid, at ibinigay siya sa kaniyang ina: at sinabi ni Elias, Tingnan mo, ang iyong anak ay buhay.

  15. At sinabi ng babae kay Elias, Ngayo'y talastas ko na ikaw ay lalake ng Dios, at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan.

  16. Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig,)

  17. Buhay ang Panginoon mong Dios, walang bansa o kaharian man na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon: at pagka kanilang sinasabi, Siya'y wala rito, kaniyang pinasusumpa ang kaharian at bansa, na hindi kinasusumpungan sa iyo.

  18. At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.

  19. At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anopa't pagka ako'y pumaroon at isinaysay ko kay Achab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako: nguni't akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata.

  20. Hindi ba nasaysay sa aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon, na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?

  21. At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay sumunod kay Baal.

  22. At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.

  23. At ang kamay ng Panginoon ay nasa kay Elias; at kaniyang binigkisan ang kaniyang mga balakang, at tumakbong nagpauna kay Achab sa pasukan ng Jezreel.

  24. At nang makita niya ay bumangon siya, at yumaon dahil sa kaniyang buhay, at naparoon sa Beerseba, na nauukol sa Juda, at iniwan ang kaniyang lingkod doon.

  25. At siya'y bumangon, at kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na apat na pung araw at apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios.