Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Obedience

136 talata · 2 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Siya'y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap: kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.

  2. Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak;

  3. Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan, at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,

  4. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya: ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita, na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.

  5. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya; ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.

  6. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

  7. Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.

  8. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.

  9. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.

  10. Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!

  11. Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.

  12. Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

  13. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.

  14. Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.

  15. Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

  16. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.

  17. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.

  18. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.

  19. Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.

  20. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.

  21. At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.

  22. Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.

  23. Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

  24. Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.

  25. Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.