Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Music

324 talata · 57 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Ang ikapito ay kay Jesarela, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  2. Ang ikawalo ay kay Jesahias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  3. Ang ikasiyam ay kay Mathanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  4. Ang ikasangpu ay kay Simi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  5. Ang ikalabing isa ay kay Azareel, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.

  6. Ang ikalabing dalawa ay kay Hasabias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.

  7. Ang ikalabing tatlo ay kay Subael, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  8. Ang ikalabing apat ay kay Mathithias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  9. Ang ikalabing lima ay kay Jerimoth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  10. Ang ikalabing anim ay kay Hananias sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  11. Ang ikalabing pito ay kay Josbecasa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  12. Ang ikalabing walo ay kay Hanani, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  13. Ang ikalabing siyam ay kay Mallothi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  14. Ang ikadalawangpu ay kay Eliatha, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  15. Ang ikadalawangpu't isa ay kay Othir, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  16. Ang ikadalawangpu't dalawa'y kay Giddalthi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  17. Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Mahazioth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:

  18. Ang ikadalawangpu't apat ay kay Romamti-ezer, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.

  19. At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa banal na dako (sapagka't ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal, at hindi sinunod ang kanilang pagkakahalihalili;

  20. Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit, silang lahat, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Heman, si Jeduthun, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga kapatid na may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak:)

  21. Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon,

  22. At ang mga saserdote ay nagsitayo ayon sa kanilang mga katungkulan; gayon din ang mga Levita na may mga panugtog ng tugtugin ng Panginoon, na ginawa ni David na hari na ipinagpasalamat sa Panginoon, (sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man), nang si David ay dumalangin sa pamamagitan ng kanilang pangangasiwa: at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak sa harap nila, at ang buong Israel ay tumayo.

  23. At ang mga Levita, sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ng totoong malakas na tinig.

  24. At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.

  25. At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan.