Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Music

324 talata · 57 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At ginawa ng hari na mga haligi ang mga kahoy na almug sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at ginawa ring mga alpa. At mga salterio sa mga mangaawit: kailan ma'y hindi dumating ang mga gayong kahoy na almug, o nakita man, hanggang sa araw na ito.

  2. Nguni't ngayo'y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog. At nangyari, nang ang manunugtog ay tumugtog, na ang kamay ng Panginoon ay suma kaniya.

  3. At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo!

  4. At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, pagkatapos na maipagpahinga ang kaban.

  5. At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili.

  6. At si David ay umahon, at ang buong Israel sa Baala, sa makatuwid baga'y sa Chiriath-jearim, na nauukol sa Juda, upang iahon mula roon ang kaban ng Dios, ng Panginoon na nauupo sa mga querubin, na tinatawag ayon sa Pangalan.

  7. At kanilang dinala ang kaban ng Dios na nakasakay sa isang bagong karo, at inilabas sa bahay ni Abinadab: at pinalakad ni Uzza at ni Ahio ang karo.

  8. At si David at ang buong Israel ay tumugtog sa harap ng Dios ng kanilang buong lakas: sa pamamagitan ng mga awit, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta at ng mga simbalo, at ng mga pakakak.

  9. At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.

  10. Sa gayo'y inihalal ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Ethan na anak ni Cusaias;

  11. At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto.

  12. Sa gayo'y ang mga mangaawit, si Heman, si Asaph, at si Ethan, ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas;

  13. At si Zacharias, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, at si Eliab, at si Maasias, at si Benaias, na may mga salterio na itinugma sa Alamoth;

  14. At si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, at si Azazias, na may mga alpa na itinugma sa Seminit, upang magayos sa pagawit.

  15. At si Chenanias, na pinuno ng mga Levita, nasa pamamahala sa awitan: siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit, sapagka't siya'y bihasa.

  16. At si Sebanias, at si Josaphat, at si Nathanael, at si Amasai, at si Zacharias, at si Benaias at si Eliezer na mga saserdote, ay nagsihihip ng mga pakakak sa harap ng Dios: at si Obed-edom, at si Jehias ay mga tagatanod sa kaban.

  17. At si David ay nababalot ng isang balabal na mainam na kayong lino, at ang lahat na Levita na nagsisipasan ng kaban, at ang mga mangaawit, at si Chenanias na tagapagturo ng awit na kasama ng mga mangaawit: at si David ay mayroong isang epod na lino.

  18. Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at may mga tunog ng korneta, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa.

  19. At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel:

  20. Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas;

  21. At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios.

  22. Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid.

  23. Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan; Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.

  24. Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya; Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.

  25. Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon.