circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mga Taga-Efeso 5:2mga AD 64
At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
- Mga Taga-Efeso 5:3mga AD 64
Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;
- Mga Taga-Efeso 5:4mga AD 64
O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.
- Mga Taga-Efeso 5:5mga AD 64
Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.
- Mga Taga-Efeso 5:6mga AD 64
Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway.
- Mga Taga-Efeso 5:7mga AD 64
Huwag kayong makibahagi sa kanila;
- Mga Taga-Efeso 5:8mga AD 64
Sapagka't noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan:
- Mga Taga-Efeso 5:9mga AD 64
(Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),
- Mga Taga-Efeso 5:10mga AD 64
Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng Panginoon;
- Mga Taga-Efeso 5:11mga AD 64
At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
- Mga Taga-Efeso 5:12mga AD 64
Sapagka't ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.
- Mga Taga-Efeso 5:13mga AD 64
Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.
- Mga Taga-Efeso 5:14mga AD 64
Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
- Mga Taga-Efeso 5:15mga AD 64
Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
- Mga Taga-Efeso 5:16mga AD 64
Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
- Mga Taga-Efeso 5:17mga AD 64
Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
- Mga Taga-Efeso 5:18mga AD 64
At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;
- Mga Taga-Efeso 5:19mga AD 64
Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;
- Mga Taga-Efeso 5:20mga AD 64
Na kayo'y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama;
- Mga Taga-Efeso 5:21mga AD 64
Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.
- Mga Taga-Efeso 5:22mga AD 64
Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.
- Mga Taga-Efeso 5:23mga AD 64
Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
- Mga Taga-Efeso 5:24mga AD 64
Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
- Mga Taga-Efeso 5:25mga AD 64
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
- Mga Taga-Efeso 5:26mga AD 64
Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita,