circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mga Taga-Efeso 5:27mga AD 64
Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.
- Mga Taga-Efeso 5:28mga AD 64
Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:
- Mga Taga-Efeso 5:29mga AD 64
Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;
- Mga Taga-Efeso 5:30mga AD 64
Sapagka't tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.
- Mga Taga-Efeso 5:31mga AD 64
Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.
- Mga Taga-Efeso 5:32mga AD 64
Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
- Mga Taga-Efeso 5:33mga AD 64
Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa.
- Mga Taga-Efeso 6:1mga AD 64
Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
- Mga Taga-Efeso 6:2mga AD 64
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako),
- Mga Taga-Efeso 6:3mga AD 64
Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.
- Mga Taga-Efeso 6:4mga AD 64
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
- Mga Taga-Efeso 6:5mga AD 64
Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo;
- Mga Taga-Efeso 6:6mga AD 64
Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;
- Mga Taga-Efeso 6:7mga AD 64
Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:
- Mga Taga-Efeso 6:8mga AD 64
Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, maging alipin o laya.
- Mga Taga-Efeso 6:9mga AD 64
At kayong mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, at sa kaniya'y walang itinatanging tao.
- Mga Taga-Efeso 6:10mga AD 64
Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.
- Mga Taga-Efeso 6:11mga AD 64
Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
- Mga Taga-Efeso 6:12mga AD 64
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
- Mga Taga-Efeso 6:13mga AD 64
Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.
- Mga Taga-Efeso 6:14mga AD 64
Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,
- Mga Taga-Efeso 6:15mga AD 64
At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;
- Mga Taga-Efeso 6:16mga AD 64
Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.
- Mga Taga-Efeso 6:17mga AD 64
At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:
- Mga Taga-Efeso 6:18mga AD 64
Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,