Skip to content

Babylon

255 verses · 3 known names

Kilala rin bilang: Babylon's, Sheshach

32.5300, 44.4200 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Babylon

Salain ayon sa aklat
  1. At si Gedalias ay sumampa sa kanila at sa kanilang mga lalake, at nagsabi sa kanila, Kayo'y huwag mangatakot ng dahil sa mga lingkod ng mga Caldeo: magsitahan kayo sa lupain, at kayo'y magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo.

  2. At nangyari nang ikatatlongpu't pitong taon ng pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawangpu't pitong araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang taon na siya'y magpasimulang maghari, ay itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan;

  3. At siya'y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.

  4. Sa gayo'y ang buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi; at, narito, sila'y nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. At ang Juda'y dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang.

  5. Gayon ma'y sa bagay ng mga sugo ng mga prinsipe sa Babilonia, na nangagsugo sa kaniya upang magusisa ng kagilagilalas na gawa sa lupain ay pinabayaan siya ng Dios upang tikman siya, upang kaniyang maalaman ang lahat na nasa kaniyang puso.

  6. Kaya't dinala ng Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria, na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala, at ginapos siya ng mga damal, at nagdala sa kaniya sa Babilonia.

  7. Laban sa kaniya ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at tinanikalaan siya, upang dalhin siya sa Babilonia.

  8. Si Nabucodonosor ay nagdala naman ng mga sisidlan ng bahay ng Panginoon sa Babilonia, at inilagay sa kaniyang templo sa Babilonia.

  9. At sa pagpihit ng taon, si Nabucodonosor ay nagsugo, at dinala siya sa Babilonia, pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem.

  10. At lahat ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios, malaki at maliit, at ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng hari, at ng kaniyang mga prinsipe; lahat ng mga ito'y dinala niya sa Babilonia.

  11. At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonia; at mga naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia:

  12. Ang mga ito nga'y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

  13. Nguni't pagkamungkahi sa pagiinit sa Dios ng langit ng aming mga magulang, ibinigay niya sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na Caldeo, na siyang gumiba ng bahay na ito, at dinala ang bayan sa Babilonia.

  14. Nguni't sa unang taon ni Ciro na hari sa Babilonia, gumawa ng pasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios,

  15. At ang ginto at pilak na mga sisidlan rin naman sa bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa loob ng templo ng Babilonia, ang mga yaon ay inilabas sa templo ng Babilonia ni Ciro na hari, at ibinigay sa isang nagngangalang Sesbassar, na siya niyang ginawang tagapamahala,

  16. Ngayon nga, kung inaakalang mabuti ng hari, magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari, na nandiyan sa Babilonia, kung gayon nga, na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem, at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito.

  17. At ang ginto at pilak na mga sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa Babilonia, masauli, at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem, bawa't isa'y sa kanikaniyang dako, at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios.

  18. Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

  19. Nguni't sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: sapagka't sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari:

  20. Na nadala mula sa Jerusalem na kasama ng mga bihag na nangadalang kasama ni Jechonias na hari sa Juda, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

  21. Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin: narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia; ang isang ito ay ipinanganak diyan.

  22. Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion.

  23. Oh anak na babae ng Babilonia, na sira; magiging mapalad siya, na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin.

  24. Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.

  25. At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.