Lumaktaw sa nilalaman

Asher

43 talata · 19 kapamilya

Kilala rin bilang: Aser

Mga talatang bumabanggit kay Asher

Salain ayon sa aklat
  1. At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;

  2. Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho, ni ang mga taga Sidon, ni ang taga Ahlab, ni ang taga Achzib, ni ang taga Helba, ni ang taga Aphec, ni ang taga Rehob:

  3. Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan: At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig? Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat, At nanahan sa kaniyang mga daong.

  4. At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila.

  5. At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan, ang sa Nephtali, at ang sa Aser, at sa buong Manases, at hinabol ang Madian.

  6. Si Baana, na anak ni Husai sa Aser at sa Alot.

  7. Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.

  8. At sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labing tatlong bayan.

  9. At mula sa lipi ni Aser; ang Masal pati ng mga nayon niyaon, at ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;

  10. Ang mga anak ni Aser: si Imna, at si Isua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae.

  11. Ang lahat na ito ay mga anak ni Aser, mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga pili at makapangyarihang lalake na may tapang, mga pinuno ng mga prinsipe. At ang bilang nilang nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa paglilingkod sa pagdidigma ay dalawang pu't anim na libong lalake.

  12. At sa Aser, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka, apat na pung libo.

  13. Gayon ma'y ang iba sa Aser, at sa Manases, at sa Zabulon ay nangagpakumbaba, at nagsiparoon sa Jerusalem.

  14. At sa tabi ng hangganan ng Dan, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Aser, isang bahagi.

  15. At sa tabi ng hangganan ng Aser, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Nephtali, isang bahagi.

  16. Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo, na may kanilang tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Gad, isa; ang pintuang-daan ng Aser, isa; ang pintuang-daan ng Nephtali, isa.

  17. At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan,

  18. Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;