Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Servants

291 talata · 147 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay.

  2. At ang bunga sa sabbath ng lupain ay magiging pagkain sa inyo; sa iyo, at sa iyong aliping lalake at babae, at sa iyong aliping upahan, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa iyo;

  3. At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pag-aari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.

  4. At kung ang iyong kapatid na kasama mo ay maghirap at pabili siya sa iyo: ay huwag mo siyang papaglilingkuring parang alipin;

  5. Ipalalagay mo siyang parang lingkod na upahan at parang nakikipamayan; hanggang sa taon ng jubileo ay maglilingkod siya sa iyo:

  6. Kung magkagayo'y aalis siya sa iyo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya, at babalik sa kaniyang sariling sangbahayan, at babalik sa pag-aari ng kaniyang mga magulang.

  7. At tungkol sa iyong mga aliping lalake at babae na magkakaroon ka; sa mga bansang nasa palibot ninyo, ay makabibili kayo sa kanila ng mga aliping lalake at babae.

  8. Saka sa mga anak ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa inyo, sa mga ito'y makabibili kayo, at sa kanilang mga sangbahayan na nasa inyo, na mga ipinanganak nila sa inyong lupain: at magiging inyong pag-aari.

  9. At inyong iiwang pinakapamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, na pinakapag-aari; sa mga iyan kukuha kayo ng inyong mga alipin magpakailan man: nguni't sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel ay huwag kayong magpapanginoonan na may kabagsikan.

  10. At kung ang taga ibang lupa o ang nakikipamayan na kasama mo ay yumaman, at ang iyong kapatid ay maghirap sa siping niya, at pabili sa taga ibang bayan o nakikipamayan sa iyo o sa sinomang kasangbahay ng taga ibang lupa;

  11. Pagkatapos na siya'y maipagbili ay kaniyang matutubos: isa sa kaniyang mga kapatid ay makatutubos sa kaniya:

  12. O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.

  13. At kaniyang bibilangan yaong bumili sa kaniya, mula sa taong bilhin siya hanggang sa taon ng jubileo: at ang halaga ng pagkabili sa kaniya ay magiging ayon sa bilang ng mga taon; at gagawin sa kaniya ay ayon sa panahon ng isang lingkod na upahan.

  14. Kung maraming taon pa ang kulang niya, ayon sa dami ng mga iyan, ay isasauli ang halaga ng kaniyang pagkatubos sa kaniya na salaping sa kaniya'y ibinili.

  15. At kung kaunti ang mga taong nagkukulang hanggang sa taon ng jubileo ay ibibilang sa kaniya; ayon sa kaniyang mga taon na nagkukulang ay isasauli ang halaga ng kaniyang katubusan.

  16. Kung paano ang alilang may bayad sa taon-taon, ay gayon matitira sa kaniya: siya'y huwag papapanginoon sa kaniya na may kabagsikan sa iyong paningin.

  17. At kung hindi siya tubusin sa mga paraang ito, ay aalis siya sa taon ng jubileo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya.

  18. Sapagka't sa akin ang mga anak ni Israel ay mga lingkod; sila'y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.

  19. Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa; ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapuwa, ang kaniyang bukid, ni ang kaniyang aliping lalake, o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

  20. Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.

  21. Kung ang iyong kapatid, na Hebreong lalake o babae, ay ipagbili sa iyo, at maglingkod sa iyong anim na taon; sa ikapitong taon nga ay iyong papagpapaalaming laya sa iyo.

  22. At pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo, ay huwag mo siyang papagpapaalaming walang dala:

  23. Iyo siyang papagbabaunin na may kasaganaan ng bunga ng iyong kawan, at ng iyong giikan, at ng iyong pisaan ng ubas, kung paano ang ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay bibigyan mo siya.

  24. At mangyayari, na kung sabihin niya sa iyo, Hindi ako aalis sa iyo; sapagka't iniibig ka niya at ang iyong bahay, sapagka't kinalulugdan mo siya;

  25. At kukuha ka nga ng isang pangbutas at ibutas mo sa kaniyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailan man. At sa iyong aliping babae man ay gayon din ang iyong gagawin.