Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Scoffing: General references

58 talata · 1 aspeto

Mga talata tungkol sa General references

Salain ayon sa aklat
  1. Sa gayo'y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria.

  2. At kayo'y huwag maging gaya ng inyong mga magulang, at gaya ng inyong mga kapatid, na nagsisalangsang laban sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, na anopa't ibinigay niya sila sa pagkapahamak, gaya ng inyong nakikita.

  3. Ngayo'y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo'y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo.

  4. Sapagka't kung kayo'y manumbalik sa Panginoon, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangagkakasumpong ng habag sa harap nilang nagsibihag, at magsisibalik sa lupaing ito: sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y manumbalik sa kaniya.

  5. Sa gayo'y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon: nguni't sila'y tinatawanang mainam, at tinutuya sila.

  6. Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.

  7. At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin; sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad.

  8. Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?

  9. Sinong tao ang gaya ni Job, na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig,

  10. ¶ Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.

  11. Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios?

  12. Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway; habang sinasabi nilang lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios?

  13. At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan?

  14. Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?

  15. Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?

  16. Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan:

  17. Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo.

  18. Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?

  19. Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:

  20. Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.

  21. Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan.

  22. Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.

  23. Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.

  24. Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.

  25. Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.