Lumaktaw sa nilalaman

Jezaniah

4 talata · 1 kapamilya

Kilala rin bilang: Jaazaniah, Azariah

Mga talatang bumabanggit kay Jezaniah

  1. Nang mabalitaan nga ng lahat ng pinuno ng mga hukbo, nila, at ng kanilang mga lalake, na ginawang tagapamahala si Gedalias ng hari sa Babilonia, ay nagsiparoon sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid bagay si Ismael na anak ni Nathanias, at si Johanan na anak ni Carea, at si Saraia na anak ni Tanhumet, na Netofatita, at si Jaazanias na anak ng Maachateo, sila at ang kanilang mga lalake.

  2. Nagsiparoon nga sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid baga'y si Ismael na anak ni Nethanias at si Johanan at si Jonathan na mga anak ni Carea, at si Seraias na anak ni Tanhumeth, at ang mga anak ni Ephi na Netophatita, at si Jezanias na anak ng Maachatita, sila, at ang kanilang mga lalake.

  3. Nang magkagayo'y ang lahat na kapitan sa mga kawal, at si Johanan na anak ni Carea, at si Jezanias na anak ni Osaia, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, ay nagsilapit,

  4. Nagsalita nga kay Jeremias si Azarias na anak ni Osaias, at si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na palalong lalake, na nangagsasabi, Ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan: hindi ka sinugo ng Panginoon nating Dios, na magsabi, Kayo'y huwag magsisiparoon sa Egipto na mangibang bayan doon;