Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Chariot

21 talata · 14 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At pinisan ni Salomon ang mga karo, at ang mga mangangabayo: at siya'y may isang libo't apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.

  2. At ginawa ng hari na maging gaya ng mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro, ay ginawa niyang maging gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.

  3. At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto: at ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap ng kawan ng mga yaon, bawa't kawan ay sa halaga.

  4. At kanilang isinasampa at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak, at ang isang kabayo, ay sa isang daan at limangpu: at gayon sa lahat ng mga hari sa mga Hetheo, at sa mga hari sa Siria ay kanilang inilabas sa pamamagitan nila.

  5. Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa tatlong pu't dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo, na nagsasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel.

  6. At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi, Walang pagsalang hari sa Israel; at sila'y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya: at si Josaphat ay humiyaw.

  7. At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y humiwalay ng paghabol sa kaniya.

  8. At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.

  9. At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.

  10. At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem, sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa Panginoon,

  11. Na may isang libo at dalawang daang karo, at anim na pung libong mangangabayo. At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto; ang mga Lubim, ang mga Sukim, at ang mga taga Etiopia.

  12. Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.

  13. Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.

  14. At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.

  15. Sa unang karo ay may mga kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;

  16. At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo.

  17. Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?

  18. At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

  19. Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.

  20. At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.

  21. Nang magkagayo'y hiniyawan niya ako, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Narito, silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking diwa sa lupaing hilagaan.