Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Adultery: General references

128 talata · 4 aspeto

Mga talata tungkol sa General references

Salain ayon sa aklat
  1. Datapuwa't naparoon ang Dios kay Abimelech sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay dili iba't isang patay dahil sa babaing iyong kinuha; sapagka't siya'y asawa ng isang lalake.

  2. Gayon ma'y sapagka't sa gawang ito'y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsipanungayaw, ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pagsalang mamamatay.

  3. Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha.

  4. Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag,

  5. Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.

  6. Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.

  7. Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; paano nga akong titingin sa isang dalaga?

  8. Kung ang aking puso ay napadaya sa babae, at ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:

  9. Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa, at iba ang yumuko sa kaniya.

  10. Sapagka't iya'y isang mabigat na sala; Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:

  11. Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak, at bubunutin ang lahat ng aking bunga.

  12. Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;

  13. Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:

  14. Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay:

  15. Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:

  16. Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:

  17. Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.

  18. Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;

  19. Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.

  20. Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.

  21. Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:

  22. Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik:

  23. Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;

  24. At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,

  25. At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway: