Lumaktaw sa nilalaman

Babylon

255 verses · 3 known names

Kilala rin bilang: Babylon's, Sheshach

32.5300, 44.4200 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Babylon

Salain ayon sa aklat
  1. Nang magkagayo'y kanilang hinuli ang hari, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla, sa lupain ng Hamath; at siya'y nilapatan niya ng kahatulan.

  2. At pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa harap ng kaniyang mga mata: kaniyang pinatay rin ang lahat na prinsipe ng Juda sa Ribla.

  3. At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia, at dinala siya sa Babilonia, at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay.

  4. Nang ikalimang buwan nga sa ikasangpung araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, dumating sa loob ng Jerusalem si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, na tumayo sa harap ng hari sa Babilonia.

  5. Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan, at ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan, at yaong mga takas, na nagsitakas sa hari sa Babilonia, at ang nalabi sa karamihan.

  6. At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, ang mga tungtungan, at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, pinagputolputol ng mga Caldeo, at dinala ang lahat na tanso ng mga yaon sa Babilonia.

  7. At dinala sila ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla.

  8. At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at ipinapatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Gayon nadalang bihag ang Juda, mula sa kaniyang lupain.

  9. At nangyari, nang ikatatlong pu't pitong taon ng pagkabihag kay Joacim na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawang pu't limang araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang unang taon ng kaniyang paghahari, nagtaas ng ulo ni Joacim na hari sa Juda, at inilabas niya siya sa bilangguan;

  10. At siya'y nagsalitang may kagandahang-loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan na lalong mataas kay sa luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.

  11. At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari sa Babilonia, bawa't araw isang bahagi ng pagkain hanggang sa kaarawan ng kaniyang kamatayan, lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

  12. Ang akin namang panilo ay aking ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; gayon ma'y hindi niya makikita, bagaman siya'y mamamatay roon.

  13. Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia.

  14. Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay sa gitna ng Babilonia na kasama niya.

  15. At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin.

  16. At may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia; ipinasok nila siya sa katibayan, upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel.

  17. Gayon din, ikaw na anak ng tao, magtakda ka sa iyo ng dalawang daan, na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain: at landasan mo ng dako, landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan.

  18. Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay.

  19. Anak ng tao, isulat mo ang pangalan ng kaarawan, ang kaarawan ding ito: ang hari sa Babilonia ay nagpakalapit sa Jerusalem sa kaarawan ding ito.

  20. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na hari ng mga hari, mula sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang pulutong, at maraming tao.

  21. Anak ng tao, pinapaglilingkod ng mabigat ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon.

  22. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo.

  23. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto, sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

  24. At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay.

  25. At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto.