Skip to content

Sihon

34 talata

Mga talatang bumabanggit kay Sihon

Salain ayon sa aklat
  1. At ang Israel ay nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi,

  2. At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel.

  3. Sapagka't ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon.

  4. Kaya't yaong mga nagsasalita ng mga kawikaan ay nagsasabi, Halina kayo sa Hesbon, Itayo at itatag ang bayan ni Sehon:

  5. Sapagka't may isang apoy na lumabas sa Hesbon, Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon: Na sumupok sa Ar ng Moab, Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon.

  6. Sa aba mo, Moab! Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni Chemos: Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake, At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae, Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.

  7. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.

  8. At ibinigay ni Moises sa kanila, sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, at sa kalahati ng lipi ni Manases na anak ni Jose, ang kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ang kaharian ni Og na hari sa Basan, ang lupain ayon sa mga bayan niyaon, sa loob ng mga hangganan niyaon, sa makatuwid baga'y ang mga bayan sa palibot ng lupain.

  9. Pagkatapos na kaniyang masaktan si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumatahan sa Hesbon, at si Og na hari sa Basan, na tumatahan sa Astarot sa Edrei:

  10. Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma.

  11. At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon na may mapayapang pananalita, na sinasabi,

  12. Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.

  13. At sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain.

  14. Nang magkagayo'y lumabas si Sehon laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Jahaz.

  15. At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong katakutan siya, sapagka't aking ibinigay sa iyong kamay siya, at ang kaniyang buong bayan, at ang kaniyang lupain; at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.

  16. At ating lubos na nilipol, na gaya ng ating ginawa kay Sehon na hari sa Hesbon, na lubos nating nilipol bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata.

  17. Sa dako pa roon ng Jordan, sa libis na nasa tapat ng Beth-peor, sa lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na tumatahan sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises at ng mga anak ni Israel, nang sila'y umalis sa Egipto;

  18. At nang kayo'y dumating sa dakong ito, ay lumabas si Sehon na hari sa Hesbon at si Og na hari sa Basan, laban sa atin sa pakikibaka, at ating sinugatan sila;

  19. At gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.

  20. Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.

  21. At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.

  22. Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;

  23. At nagpuno sa bundok ng Hermon, at sa Salca, at sa buong Basan, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon.

  24. At ang lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;

  25. At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.