Lumaktaw sa nilalaman

Sihon

34 talata

Mga talatang bumabanggit kay Sihon

Salain ayon sa aklat
  1. At sa libis, ang Beth-aram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.

  2. At nagsugo ang Israel ng mga sugo kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na hari sa Hesbon; at sinabi ng Israel sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na paraanin mo kami sa iyong lupain hanggang sa aking dako.

  3. Nguni't si Sehon ay hindi tumiwala sa Israel upang paraanin sa kaniyang hangganan: kundi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at humantong sa Jaas, at lumaban sa Israel.

  4. At ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel si Sehon, at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel, at sinaktan nila sila: sa gayo'y inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorrheo, na mga tagaroon sa lupaing yaon.

  5. Si Geber, na anak ni Uri sa lupain ng Galaad, na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ni Og na hari sa Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon.

  6. Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng hari sa Hesbon, at ang lupain ni Og na hari, sa Basan.

  7. Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, at kay Og na hari sa Basan, at sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:

  8. Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

  9. Silang nagsisitakas ay nagsisitayong walang lakas sa ilalim ng Hesbon; sapagka't ang apoy ay lumabas sa Hesbon, at ang alab mula sa gitna ng Sihon, at pinugnaw ang tagiliran ng Moab, at ang bao ng ulo ng mga manggugulo.