Lumaktaw sa nilalaman

David

968 talata · 40 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay David

Salain ayon sa aklat
  1. Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?

  2. Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan: sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.

  3. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.

  4. Ang aking puso'y matatag, Oh Dios; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.

  5. Huwag kang mapayapa, Oh Dios na aking kapurihan;

  6. Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

  7. Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.

  8. Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.

  9. Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,

  10. Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.

  11. Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian;

  12. Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.

  13. Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.

  14. Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis.

  15. Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!

  16. Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.

  17. Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako.

  18. Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao:

  19. Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin: pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.

  20. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.

  21. Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik: sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.

  22. Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban:

  23. Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari: na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.

  24. Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.

  25. ¶ Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: