Lumaktaw sa nilalaman

Benjamin

157 talata · 26 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Benjamin

Salain ayon sa aklat
  1. At sila'y nagsiparoon kay Hilcias na dakilang saserdote at ibinigay ang salapi na napasok sa bahay ng Dios, na nakuha ng mga Levita, na mga tagatanod-pinto, sa kamay ng Manases at ng Ephraim, at sa lahat ng nalabi sa Israel, at sa buong Juda, at Benjamin, at sa mga taga Jerusalem.

  2. At kaniyang pinapanayo sa tipan ang lahat na nasumpungan sa Jerusalem at Benjamin. At ginawa ng mga taga Jerusalem ang ayon sa tipan ng Dios ng kanilang mga magulang.

  3. Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.

  4. Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel;

  5. Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan): at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios, na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.

  6. At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares.

  7. At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia.

  8. Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon;

  9. At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin.

  10. Doo'y ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno, ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong, ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.

  11. Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami.

  12. ¶ Ang mga salita ni Jeremias na anak ni Hilcias, isa sa mga saserdote na nasa Anathoth sa lupain ng Benjamin:

  13. Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa hilagaan, at isang malaking paglipol.

  14. At sila'y manganggagaling sa mga bayan ng Juda, at sa mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa mababang lupain, at sa mga bundok, at sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.

  15. Nang magkagayo'y sinaktan ni Pashur si Jeremias na propeta, at inilagay siya sa pangawan na nasa lalong mataas na pintuang-bayan ng Benjamin, na nasa bahay ng Panginoon.

  16. Sa gayo'y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon, at sinabi sa akin, Bilhin mo ang aking parang, isinasamo ko sa iyo, na nasa Anathoth, na nasa lupain ng Benjamin; sapagka't ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo, at ang pagtubos ay ukol sa iyo; bilhin mo para sa iyong sarili. Nang magkagayo'y nakilala ko na ito'y salita ng Panginoon.

  17. Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.

  18. Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan, at sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, magdaraan uli ang mga kawan sa mga kamay ng bibilang sa kanila, sabi ng Panginoon.

  19. Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin, upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon, sa gitna ng bayan.

  20. At nang siya'y nasa pintuang-bayan ng Benjamin, isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias, na anak ni Selemias, na anak ni Hananias; at kaniyang dinakip si Jeremias, na propeta, na sinasabi, Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo.

  21. Nang marinig nga ni Ebed-melec na taga Etiopia, na bating na nasa bahay ng hari, na kanilang isinilid si Jeremias sa hukay; (na ang hari noo'y nakaupo sa pintuang-bayan ng Benjamin),

  22. Bukod dito'y mula sa pag-aari ng mga Levita, at mula sa pag-aari ng bayan na nasa gitna ng sa prinsipe, sa pagitan ng hangganan ng Juda at ng hangganan ng Benjamin, magiging sa prinsipe.

  23. At tungkol sa nalabi sa mga lipi: mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Benjamin, isang bahagi.

  24. At sa tabi ng hangganan ng Benjamin, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Simeon, isang bahagi.

  25. At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Jose, isa; ang pintuang-daan ng Benjamin, isa; ang pintuang-daan ng Dan, isa: