Skip to content

Geba

14 verses · 2 known names

Kilala rin bilang: Gaba

31.8500, 35.2500 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Geba

  1. At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

  2. At sa lipi ni Benjamin, ang Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang Geba pati ng mga nayon niyaon;

  3. At sinaktan ni Jonathan ang pulutong ng mga Filisteo na nasa Geba; at nabalitaan ng mga Filisteo. At hinipan ni Saul ang pakakak sa buong lupain, na sinasabi, Marinig ng mga Hebreo.

  4. Nang magkagayo'y itinanyag ng haring Asa ang buong Juda; walang natangi: at kanilang inalis ang mga bato ng Rama, at ang mga kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo ng haring Asa sa pamamagitan niyaon ang Gabaa ng Benjamin at ang Mizpa.

  5. At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda, at nilapastangan ang mga mataas na dako, sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote, mula sa Geba hanggang sa Beerseba; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue, na tagapamahala ng bayan, na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan.

  6. At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan.

  7. At ang mga ito ang mga anak ni Ehud; ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Gabaa, at dinala nila silang bihag sa Manahath.

  8. Nang magkagayo'y ipinagsama ni Asa na hari ang buong Juda; at kanilang dinala ang mga bato ng Rama, at ang kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo niya sa pamamagitan niyaon ang Gibaa at Mizpa.

  9. Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu't isa.

  10. Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa.

  11. Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon;

  12. Mula rin naman sa Beth-gilgal, at mula sa mga parang ng Geba at ng Azmaveth: sapagka't nangagtayo sa ganang kanila ang mga mangaawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem.

  13. Sila'y nangagdaraan sa landas; sila'y nagsituloy na nangagpahinga sa Geba: ang Rama ay nanginginig; ang Gabaa ni Saul ay tumakas.

  14. Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.