Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Levites

255 talata · 63 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Sa makatuwid baga'y ang nangabilang sa kanila, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay dalawang libo at anim na raan at tatlong pu.

  2. Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson, sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan, na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon.

  3. At ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

  4. Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan,

  5. Sa makatuwid baga'y yaong lahat na nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay tatlong libo at dalawang daan.

  6. Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

  7. Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita, na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga prinsipe sa Israel, ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,

  8. Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok upang gumawa ng gawang paglilingkod, at ng gawang pagdadala ng mga pasanin sa tabernakulo ng kapisanan,

  9. Sa makatuwid baga'y yaong nangabilang sa kanila, ay walong libo at limang daan at walong pu.

  10. Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises, bawa't isa ayon sa kaniyang paglilingkod, at ayon sa kaniyang pasanin: ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

  11. Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.

  12. Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin.

  13. At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel.

  14. Si Core nga na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab, at si Hon na anak ni Peleth, na mga anak ni Ruben, ay nagsikuha ng mga tao:

  15. At sila'y tumindig sa harap ni Moises, na kasama ng ilang mga anak ni Israel, na dalawang daan at limang pung prinsipe sa kapisanan na tinawag sa kapulungan na mga lalaking bantog:

  16. At sila'y nagpupulong laban kay Moises at laban kay Aaron, at sinabi nila sa kanila, Kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay banal, bawa't isa sa kanila, at ang Panginoon ay nasa gitna nila: bakit nga kayo'y magmamataas sa kapisanan ng Panginoon?

  17. At nang marinig ni Moises, ay nagpatirapa.

  18. At sinalita niya kay Core at sa kaniyang buong pulutong, na sinasabi, Sa kinaumagahan ay ipakikilala ng Panginoon kung sino ang kaniya, at kung sino ang banal, at kung sino ang palalapitin niya sa kaniya: sa makatuwid baga'y ang piliin ay siyang kaniyang palalapitin sa kaniya.

  19. Ito'y inyong gawin; kumuha kayo ng mga suuban, si Core at ang kaniyang buong pulutong;

  20. At lagyan ninyo ng apoy at patungan ninyo ng kamangyan bukas sa harap ng Panginoon: at mangyayari na ang tao na piliin ng Panginoon, ay siyang banal: kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, kayong mga anak ni Levi.

  21. At sinabi ni Moises kay Core, Dinggin ninyo ngayon, kayong mga anak ni Levi:

  22. Minumunting bagay pa ba ninyo na kayo'y ibinukod ng Dios ng Israel sa kapisanan ng Israel, upang ilapit niya kayo sa kaniya, upang gawin ninyo ang paglilingkod sa tabernakulo ng Panginoon, at upang kayo'y tumayo sa harap ng kapisanan na mangasiwa sa kanila;

  23. At inilapit ka niya sangpu ng lahat ng iyong mga kapatid na mga anak ni Levi? at hangarin din naman ninyo ang pagkasaserdote?

  24. Kaya't ikaw at ang iyong buong pulutong ay napipisan laban sa Panginoon: at si Aaron, ano nga't siya'y inyong inupasala?

  25. At ipinatawag ni Moises si Dathan at si Abiram, na mga anak ni Eliab: at kanilang sinabi, Hindi kami sasampa: