Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Sackcloth

36 talata · 21 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak.

  2. At sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: Hapakin ninyo ang inyong mga suot, at magbigkis kayo ng magaspang na damit, at magluksa kayo sa harap ni Abner. At ang haring si David ay sumunod sa kabaong.

  3. At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit, at inilatag niya sa ibabaw ng bato, mula sa pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid, o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang.

  4. At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Narito, ngayon, aming narinig na ang mga hari sa sangbahayan ng Israel ay maawaing mga hari: isinasamo namin sa iyo na kami ay papagbigkisin ng magaspang na kayo sa aming mga balakang, at mga lubid sa aming mga leeg at labasin namin ang hari ng Israel: marahil, kaniyang ililigtas ang iyong buhay.

  5. Sa gayo'y nagsipagbigkis sila ng magaspang na kayo sa kanilang mga balakang, at mga lubid sa kanilang mga leeg, at nagsiparoon sa hari ng Israel, at nagsipagsabi, Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-adad, Isinasamo ko sa iyo, na tulutan mong ako'y mabuhay. At sinabi niya, Siya ba'y buhay pa? siya'y aking kapatid.

  6. At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang kaniyang mga damit, at nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan.

  7. At sila'y nagsisagot sa kaniya: Siya'y lalaking mabalahibo at nakabigkis ng bigkis na balat ng hayop sa kaniyang mga balakang. At kaniyang sinabi, Siya'y si Elias na Thisbita.

  8. At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng babae, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot (nagdadaan nga siya sa kuta;) at ang bayan ay tumingin, at, narito, siya'y may magaspang na damit sa loob sa kaniyang katawan.

  9. At nangyari, nang mabalitaan ng haring Ezechias, ay hinapak niya ang kaniyang mga suot, at nagbalot ng kayong magaspang, at pumasok sa bahay ng Panginoon.

  10. At kaniyang sinugo si Eliacim, na katiwala sa bahay, at si Sebna na kalihim, at ang mga matanda sa mga saserdote na may mga balot na kayong magaspang, kay Isaias na propeta na anak ni Amos.

  11. Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila.

  12. Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot, at nanamit ng kayong magaspang na may mga abo, at lumabas sa gitna ng bayan, at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw:

  13. At siya'y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari: sapagka't walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo.

  14. Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.

  15. Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:

  16. Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila.

  17. At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay panali; at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na mainam ay pamigkis na kayong magaspang; hero sa halip ng kagandahan.

  18. Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.

  19. Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon na lumakad na hubad at walang panyapak.

  20. At nang araw na yao'y tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang.

  21. Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.

  22. Aking binibihisan ng kaitiman ang langit at aking ginagawang kayong magaspang ang kaniyang takip.

  23. Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.

  24. Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin.

  25. Tumangis ka, Oh Hesbon, sapagka't ang Hai ay nasamsaman; magsiiyak kayo, kayong mga anak na babae ng Rabba, kayo'y mangagbigkis ng kayong magaspang: kayo'y magsitaghoy, at magsitakbong paroo't parito sa gitna ng mga bakuran; sapagka't si Malcam ay papasok sa pagkabihag, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama.