Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Peace: Social

48 talata · 38 aspeto

Mga talata tungkol sa Social

Salain ayon sa aklat
  1. Sa ganito ay kaniyang pinapagpaalam ang kaniyang mga kapatid, at sila'y yumaon: at kaniyang sinabi sa kanila, Huwag kayong magkaaalit sa daan.

  2. At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, at walang katatakutan kayo: at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak.

  3. Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.

  4. At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.

  5. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.

  6. Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.

  7. Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

  8. Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!

  9. Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.

  10. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman.

  11. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway.

  12. Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.

  13. Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.

  14. Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.

  15. Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.

  16. At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma.

  17. Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.

  18. At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.

  19. At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing tiwasay.

  20. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.

  21. Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

  22. At ibibigay ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay.

  23. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

  24. Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.

  25. Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: