circa 6 BC – AD 30
The Life of Jesus
The eternal Son of God enters history: born in Bethlehem, baptized in the Jordan, crucified at Golgotha, raised on the third day.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mateo 27:16mga AD 33
At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas.
- Mateo 27:17mga AD 33
Nang sila'y mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?
- Mateo 27:18mga AD 33
Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.
- Mateo 27:19mga AD 33
At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.
- Mateo 27:20mga AD 33
Inudyukan ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas, at puksain si Jesus.
- Mateo 27:21mga AD 33
Datapuwa't sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas.
- Mateo 27:22mga AD 33
Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus.
- Mateo 27:23mga AD 33
At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.
- Mateo 27:24mga AD 33
Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan.
- Mateo 27:25mga AD 33
At sumagot ang buong bayan at nagsabi, Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.
- Mateo 27:26mga AD 33
Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.
- Mateo 27:27mga AD 33
Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong.
- Mateo 27:28mga AD 33
At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube.
- Mateo 27:29mga AD 33
At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!
- Mateo 27:30mga AD 33
At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.
- Mateo 27:31mga AD 33
At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.
- Mateo 27:32mga AD 33
At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.
- Mateo 27:33mga AD 33
At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,
- Mateo 27:34mga AD 33
Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.
- Mateo 27:35mga AD 33
At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;
- Mateo 27:36mga AD 33
At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon.
- Mateo 27:37mga AD 33
At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.
- Mateo 27:38mga AD 33
Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
- Mateo 27:39mga AD 33
At siya'y nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,
- Mateo 27:40mga AD 33
At nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.