Lumaktaw sa nilalaman

Zion

139 verses · 2 known names

Kilala rin bilang: Sion

31.7700, 35.2300 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Zion

Salain ayon sa aklat
  1. Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion; kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba: at kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; nanganglulupaypay kapuwa.

  2. Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, sila'y nagsisitahimik; sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang: itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.

  3. Ano ang aking patototohanan sa iyo? sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem? Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion? Sapagka't ang iyong sira ay malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?

  4. Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon: Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi; huwag kang magpahinga; huwag maglikat ang itim ng iyong mata.

  5. Ang mga mahalagang anak ng Sion, na katulad ng dalisay na ginto, ano't pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa, na gawa ng mga kamay ng magpapalyok!

  6. Ginanap ng Panginoon ang kaniyang kapusukan, kaniyang ibinugso ang kaniyang mabangis na galit; at siya'y nagpaalab ng apoy sa Sion, na pumugnaw ng mga patibayan niyaon.

  7. Ang parusa sa iyong kasamaan ay naganap, Oh anak na babae ng Sion, hindi ka na niya dadalhin pa sa pagkabihag: kaniyang dadalawin ang iyong kasamaan, Oh anak na babae ng Edom; kaniyang ililitaw ang iyong mga kasalanan.

  8. Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.

  9. Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;

  10. Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;

  11. Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.

  12. At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.

  13. Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga taga ibang lupa.

  14. At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis: sapagka't ang Panginoon ay tumatahan sa Sion.

  15. At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo.

  16. Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!

  17. Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo.

  18. Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.

  19. Kaya't ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat.

  20. At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;

  21. At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.

  22. Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway.

  23. At ngayo'y maraming bansa ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin sa Sion.

  24. Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang pag-aari ay sa Panginoon ng buong lupa.

  25. Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem.