Lumaktaw sa nilalaman

Shechem

40 verses · 2 known names

Kilala rin bilang: Sichem

32.2100, 35.2800 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Shechem

Salain ayon sa aklat
  1. At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed, Sino si Abimelech at sino si Sichem, upang, aming paglingkuran siya? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal? at si Zebul ay kaniyang pinuno? Maglingkod kayo sa mga lalake ni Hamor na ama ni Sichem: nguni't bakit kami maglilingkod sa kaniya?

  2. At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech, na nagsabi, Narito, si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem; at, narito, kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo.

  3. At bumangon si Abimelech, at ang buong bayan na kasama niya, sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem, na sila'y apat na pulutong.

  4. At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem, at lumaban kay Abimelech.

  5. At si Abimelech ay tumahan sa Aruma: at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid, upang sila'y huwag tumahan sa Sichem.

  6. At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo: at dumating sa kanila ang sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal.

  7. At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.

  8. At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari.

  9. Nang magkagayo'y itinayo ni Jeroboam ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at tumahan doon; at siya'y umalis mula roon, at itinayo ang Penuel.

  10. At ibinigay nila sa kanila ang mga bayang ampunan: ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim pati ng mga nayon niyaon; gayon din ang Gezer pati ng mga nayon niyaon.

  11. At ang kanilang mga pag-aari at mga tahanan ay ang Beth-el at ang mga nayon niyaon, at ang dakong silanganan ng Naaran, at ang dakong kalunuran ng Gezer pati ng mga nayon niyaon; ang Sichem rin naman at ang mga nayon niyaon, hanggang sa Asa at ang mga nayon niyaon:

  12. At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari.

  13. Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth,

  14. Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.

  15. Na nagsiparoon ang mga lalake na mula sa Sichem, mula sa Silo, at mula sa Samaria, sa makatuwid baga'y walong pung lalake, na may mga ahit na balbas at may mga hapak na kasuutan, at may mga kudlit, may mga alay at mga kamangyan sa kanilang kamay, upang dalhin sa bahay ng Panginoon.