Lumaktaw sa nilalaman

Manasseh

109 talata · 6 kapamilya

Kilala rin bilang: Manasses

Mga talatang bumabanggit kay Manasseh

Salain ayon sa aklat
  1. Si Ben-geber, sa Ramoth-galaad; (sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, na nasa Galaad; sa makatuwid baga'y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob, na nasa Basan, anim na pung malaking bayan na may mga kuta at mga halang na tanso:)

  2. Ang mga anak ni Ruben, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak, at makapagpapahilagpos ng busog, at bihasa sa pakikipagdigma, ay apat na pu't apat na libo, at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma.

  3. At ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay tumahan sa lupain: sila'y nagsidami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon at sa Senir at sa bundok ng Hermon.

  4. At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.

  5. At sa nalabi sa mga anak ni Coath ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, sa angkan ng lipi, sa kalahating lipi, na kalahati ng Manases, sangpung bayan.

  6. At sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labing tatlong bayan.

  7. At mula sa kalahating lipi ni Manases; ang Aner pati ng mga nayon niyaon, at ang Bilam pati ng mga nayon niyaon, sa ganang nangalabi sa angkan ng mga anak ng Coath.

  8. Sa mga anak ng Gerson ay nabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon, at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon;

  9. Ang mga anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kaniyang babae na Aramita; ipinanganak niya si Machir na ama ni Galaad.

  10. At ang mga anak ni Ulam; si Bedan. Ito ang mga anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases.

  11. At sa siping ng mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Beth-sean at ang mga nayon niyaon, ang Thanach at ang mga nayon niyaon, ang Megiddo at ang mga nayon niyaon, ang Dor at ang mga nayon niyaon. Sa mga ito nagsitahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel.

  12. At sa Jerusalem ay tumahan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin, at sa mga anak ni Ephraim at Manases;

  13. Sa Manases naman ay nagsihilig ang ilan kay David, nang siya'y pumaroong kasama ng mga Filisteo laban kay Saul upang bumaka: nguni't hindi nila tinulungan sila: sapagka't pinapagpaalam siya ng mga panginoon ng mga Filisteo sa payo na sinasabi, Siya'y mahihilig sa kaniyang panginoong kay Saul sa pamumuhunan ng ating mga ulo.

  14. Sa pagparoon niya sa Siclag, ay nagsihilig sa kaniya mula sa Manases, si Adnas, at si Jozabad, at si Jediaiel, at si Michael, at si Jozabad at si Eliu, at si Sillethai, na mga pinunong kawal ng mga lilibuhin na nasa Manases.

  15. At sa kalahating lipi ng Manases ay labing walong libo, na mga nasaysay sa pamamagitan ng pangalan, upang magsiparoon at gawing hari si David.

  16. At sa kabilang dako ng Jordan, sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, na may sarisaring kasangkapang pangdigma sa pakikipagbaka, isang daan at dalawangpung libo.

  17. At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, ay dalawang libo at pitong daan, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manasita, sa lahat ng usap na ukol sa Dios, at sa mga bagay ng hari.

  18. Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia:

  19. Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.

  20. At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin, at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases, at mula sa Simeon; sapagka't sila'y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana, nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya.

  21. At si Ezechias ay nagsugo sa buong Israel at Juda, at sumulat ng mga liham naman sa Ephraim at Manases, na sila'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

  22. Sa gayo'y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon: nguni't sila'y tinatawanang mainam, at tinutuya sila.

  23. Gayon ma'y ang iba sa Aser, at sa Manases, at sa Zabulon ay nangagpakumbaba, at nagsiparoon sa Jerusalem.

  24. Sapagka't isang karamihan sa bayan, sa makatuwid baga'y marami sa Ephraim at sa Manases, sa Issachar, at sa Zabulon, ay hindi nangagpakalinis, gayon ma'y nagsikain sila ng kordero ng paskua na hindi gaya ng nasusulat. Sapagka't idinalangin sila ni Ezechias, na sinasabi, Patawarin nawa ng mabuting Panginoon ang bawa't isa.

  25. Nang matapos nga ang lahat ng ito, ang buong Israel na nakaharap ay lumabas sa mga bayan ng Juda, at pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at ibinuwal ang mga Asera, at iginiba ang mga mataas na dako at ang mga dambana mula sa buong Juda at Benjamin, sa Ephraim man at sa Manases, hanggang sa kanilang naigibang lahat. Nang magkagayo'y ang lahat ng mga anak ni Israel ay nagsibalik, bawa't isa'y sa kaniyang pag-aari, sa kanilang sariling mga bayan.