Lumaktaw sa nilalaman

God

11,427 talata · 2 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay God

Salain ayon sa aklat
  1. Ikaw ay puno ng kahihiyan, at hindi ng kaluwalhatian: uminom ka naman, at maging gaya ng isang hindi tuli; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo, at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian.

  2. Nguni't ang Panginoo'y nasa kaniyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya.

  3. Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.

  4. Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.

  5. At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.

  6. Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot, At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.

  7. Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa; Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.

  8. Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog, O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat, Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo, Sa iyong mga karo ng kaligasan?

  9. Ang iyong busog ay nahubarang lubos; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.

  10. Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at nangatakot; Ang unos ng tubig ay dumaan: Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig, At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.

  11. Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan, Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon, Sa kislap ng iyong makinang na sibat.

  12. Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit; Iyong giniik ang mga bansa sa galit.

  13. Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan, Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama, Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)

  14. Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. Sa bunton ng makapangyarihang tubig.

  15. Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.

  16. Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa. At ako'y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako. Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.

  17. ¶ Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda.

  18. Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.

  19. Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.

  20. At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote;

  21. At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na nanunumpa sa Panginoon at nanunumpa sa pangalan ni Malcam;

  22. At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon, ni sumangguni man sa kaniya.

  23. Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin.

  24. At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa.

  25. At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya.