Lumaktaw sa nilalaman

God

11,427 talata · 2 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay God

Salain ayon sa aklat
  1. Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.

  2. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol sa aking mga anak, at tungkol sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.

  3. Aking ginawa ang lupa, at nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.

  4. Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

  5. Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at walang ibang Dios.

  6. Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.

  7. Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.

  8. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.

  9. Ako'y hindi nagsalita ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.

  10. Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.

  11. Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.

  12. Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, bawa't dila ay susumpa.

  13. Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.

  14. Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati.

  15. Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:

  16. At hanggang sa katandaan ay ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.

  17. Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?

  18. Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

  19. Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:

  20. Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

  21. Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:

  22. Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.

  23. Ang iyong kahubaran ay malilitaw, oo, ang iyong kahihiyan ay makikita, ako'y manghihiganti, at hindi tatangi ng tao.

  24. Ang aming Manunubos, ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel.

  25. Ako'y napoot sa aking bayan, aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang.