Lumaktaw sa nilalaman

David

968 talata · 40 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay David

Salain ayon sa aklat
  1. Nang magkagayo'y sinabi ni David, Ito ang bahay ng Panginoong Dios, at ito ang dambana ng handog na susunugin para sa Israel.

  2. At iniutos ni David na pisanin ang mga taga ibang bayan na nasa lupain ng Israel; at siya'y naglagay ng mga kantero upang magsitabas ng mga yaring bato, upang itayo ang bahay ng Dios.

  3. At si David ay naghanda ng bakal na sagana na mga pinaka pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan, at sa mga sugpong; at tanso na sagana na walang timbang;

  4. At mga puno ng sedro na walang bilang; sapagka't ang mga Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana.

  5. At sinabi ni David, Si Salomong aking anak ay bata at mura, at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam, na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain: akin ngang ipaghahanda. Sa gayo'y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan.

  6. At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Tungkol sa akin, na sa aking kalooban ang magtayo ng isang bahay sa pangalan ng Panginoon kong Dios.

  7. Iniutos naman ni David sa lahat na prinsipe ng Israel na tulungan si Salomon na kaniyang anak, na sinasabi,

  8. Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel.

  9. At apat na libo ay tagatanod-pinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.

  10. At hinati sila ni David sa mga hanay ayon sa mga anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.

  11. Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:

  12. Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.

  13. At si David na kasama ni Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod.

  14. Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.

  15. Bukod dito'y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun; na magsisipuri na may mga alpa, at mga salterio, at may mga simbalo: at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod.

  16. Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na itinalaga ni David na hari, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ng mga pinunong kawal ng hukbo.

  17. Sa mga Hebronita ay si Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa Jazer ng Galaad.

  18. At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, ay dalawang libo at pitong daan, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manasita, sa lahat ng usap na ukol sa Dios, at sa mga bagay ng hari.

  19. Sa Juda, si Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael:

  20. Nguni't hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba: sapagka't sinabi ng Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.

  21. Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang, nguni't hindi natapos; at dumating sa Israel ang pag-iinit dahil dito: ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David.

  22. Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pag-aari ng haring David.

  23. At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:

  24. At pinulong ni David ang lahat na prinsipe sa Israel, ang mga prinsipe ng mga lipi, at ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan, at ang mga punong kawal ng lilibuhin, at ang mga punong kawal ng dadaanin, at ang mga katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pag-aari ng hari at ng kaniyang mga anak, na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake, lahat na makapangyarihang lalaking matapang, sa Jerusalem.

  25. Nang magkagayo'y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at ako'y humanda sa pagtatayo.