Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Vineyard

56 talata · 9 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At sila'y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa Minnith, na may dalawang pung bayan, at hanggang sa Abelkeramim. Sa gayo'y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel.

  2. At sa nagsisigawa sa bukiran, na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud:

  3. At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita: at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita:

  4. At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas:

  5. Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;

  6. At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.

  7. Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan;

  8. Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:

  9. Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.

  10. Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.

  11. At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob.

  12. Paawitin ninyo ako sa aking pinakamamahal, ng awit ng aking minamahal tungkol sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mainam na burol:

  13. At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat.

  14. At ngayon, Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda, hatulan ninyo, isinasamo ko sa inyo, ako at ang aking ubasan.

  15. Ano pa ang magagawa ko sa aking ubasan na hindi ko nagawa? ano't nang aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas, nagbunga ng ubas gubat?

  16. At ngayo'y aking sasaysayin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan: aking aalisin ang bakod na siit niyaon, at sasalantain; aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan:

  17. At aking pababayaang sira; hindi kakapunin o bubukirin man; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik: akin ding iuutos sa mga alapaap, na huwag nilang ulanan.

  18. Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing.

  19. At mangyayari sa araw na yaon, na ang bawa't dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan.

  20. Sa araw na yaon: Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alak.

  21. Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.

  22. Sinira ng maraming pastor ang aking ubasan, kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.

  23. Sapagka't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan.

  24. At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa't araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan.

  25. At siya'y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa;