circa 6 BC – AD 30
The Life of Jesus
The eternal Son of God enters history: born in Bethlehem, baptized in the Jordan, crucified at Golgotha, raised on the third day.
Mga talata mula sa panahong ito
- Lucas 1:52mga 5 BC
Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
- Lucas 1:53mga 5 BC
Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
- Lucas 1:54mga 5 BC
Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa
- Lucas 1:55mga 5 BC
(Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
- Lucas 1:56mga 5 BC
At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.
- Lucas 1:57mga 5 BC
Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.
- Lucas 1:58mga 5 BC
At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at sila'y nangakigalak sa kaniya.
- Lucas 1:59mga 5 BC
At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.
- Lucas 1:60mga 5 BC
At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan.
- Lucas 1:61mga 5 BC
At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.
- Lucas 1:62mga 5 BC
At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.
- Lucas 1:63mga 5 BC
At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.
- Lucas 1:64mga 5 BC
At pagdaka'y nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.
- Lucas 1:65mga 5 BC
At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea.
- Lucas 1:66mga 5 BC
At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.
- Lucas 1:67mga 5 BC
At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
- Lucas 1:68mga 5 BC
Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
- Lucas 1:69mga 5 BC
At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin
- Lucas 1:70mga 5 BC
(Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon),
- Lucas 1:71mga 5 BC
Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
- Lucas 1:72mga 5 BC
Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, At alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
- Lucas 1:73mga 5 BC
Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
- Lucas 1:74mga 5 BC
Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
- Lucas 1:75mga 5 BC
Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
- Lucas 1:76mga 5 BC
Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;