- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa 930–586 BC
The Divided Kingdom
The kingdom splits into Israel and Judah; prophets warn of judgment as both nations slowly drift into idolatry and exile.
Mga talata mula sa panahong ito
- 2 Mga Cronica 16:11mga 955 BC
At, narito, ang mga gawa ni Asa, na una at huli, narito, nangakasulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel.
- 2 Mga Cronica 16:12mga 916 BC
At nang ikatatlong pu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa; ang kaniyang sakit ay totoong malubha: gayon ma'y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot.
- 2 Mga Cronica 16:13mga 914 BC
At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at namatay sa ikaapat na pu't isang taon ng kaniyang paghahari.
- 2 Mga Cronica 16:14mga 914 BC
At inilibing nila siya sa kaniyang sariling mga libingan, na kaniyang ipinahukay para sa kaniya sa bayan ni David, at inihiga siya sa higaan na pinunu ng mga masarap na amoy at sarisaring espesia na inihanda ng manggagawa ng mga pabango; at ipinagsunog nila niyaon ng di kawasa.
At si Josaphat na kaniyang anak ay naghari, na kahalili niya, at nagpakalakas laban sa Israel.
At siya'y naglagay ng mga kawal sa lahat ng bayang nakukutaan ng Juda, at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda, at sa mga bayan ng Ephraim, na sinakop ni Asa sa kaniyang ama.
At ang Panginoon ay sumasa kay Josaphat, sapagka't siya'y lumakad ng mga unang lakad ng kaniyang magulang na si David, at hindi hinanap ang mga Baal;
Kundi hinanap ang Dios ng kaniyang ama, at lumakad sa kaniyang mga utos, at hindi ayon sa mga gawa ng Israel.
- 2 Mga Cronica 17:5mga 913 BC
Kaya't itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kaniyang kamay; at ang buong Juda ay nagdala kay Josaphat ng mga kaloob; at siya'y nagkaroon ng mga kayamanan at dangal na sagana.
- 2 Mga Cronica 17:6mga 913 BC
At ang kaniyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon: at bukod dito'y inalis niya ang mga mataas na dako at ang mga Asera sa Juda.
- 2 Mga Cronica 17:7mga 912 BC
Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe, sa makatuwid bagay si Ben-hail, at si Obdias, at si Zacharias, at si Nathaniel, at si Micheas, upang mangagturo sa mga bayan ng Juda.
- 2 Mga Cronica 17:8mga 912 BC
At kasama nila ang mga Levita, na si Semeias, at si Nethanias, at si Zebadias, at si Asael, at si Semiramoth, at si Jonathan, at si Adonias, at si Tobias, at si Tob-adonias, na mga Levita; at kasama nila si Elisama, at si Joram na mga saserdote.
- 2 Mga Cronica 17:9mga 912 BC
At sila'y nangagturo sa Juda, na may aklat ng kautusan ng Panginoon; at sila'y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda, at nangagturo sa gitna ng bayan.
- 2 Mga Cronica 17:10mga 912 BC
At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda, na anopa't sila'y hindi nangakipagdigma laban kay Josaphat.
- 2 Mga Cronica 17:11mga 912 BC
At ang ilan sa mga Filisteo ay nangagdala ng mga kaloob kay Josaphat, at pilak na pinakabuwis; ang mga taga Arabia man ay nangagdala rin sa kaniya ng mga kawan, na pitong libo at pitong daang lalaking tupa, at pitong libo at pitong daang kambing na lalake.
- 2 Mga Cronica 17:12mga 912 BC
At si Josaphat ay dumakilang mainam; at siya'y nagtayo sa Juda ng mga kastilyo at mga bayang kamaligan.
- 2 Mga Cronica 17:13mga 912 BC
At siya'y nagkaroon ng maraming mga gawain sa mga bayan ng Juda; at ng mga lalaking mangdidigma, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, sa Jerusalem.
- 2 Mga Cronica 17:14mga 912 BC
At ito ang bilang nila ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa Juda, ang mga pinunong kawal ng lilibuhin; si Adna na pinunong kawal, at ang kasama niya na mga makapangyarihang lalaking matatapang ay tatlong daang libo:
- 2 Mga Cronica 17:15mga 912 BC
At sumusunod sa kaniya ay si Johanan na pinunong kawal, at kasama niya'y dalawang daan at walong pung libo;
- 2 Mga Cronica 17:16mga 912 BC
At sumusunod sa kaniya ay si Amasias na anak ni Zichri, na humandog na kusa sa Panginoon; at kasama niya ay dalawang daang libo na mga makapangyarihang lalaking matatapang:
- 2 Mga Cronica 17:17mga 912 BC
At sa Benjamin; si Eliada na makapangyarihang lalaking matapang, at kasama niya ay dalawang daang libong may sakbat na busog at kalasag:
- 2 Mga Cronica 17:18mga 912 BC
At sumusunod sa kaniya ay si Jozabad, at kasama niya ay isang daan at walong pung libo na handa sa pakikipagdigma.
- 2 Mga Cronica 17:19mga 912 BC
Ang mga ito ang nangaglingkod sa hari bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda.
- 2 Mga Cronica 18:1mga 897 BC
Si Josaphat nga ay nagkaroon ng kayamanan, at dangal na sagana; at siya'y nakipagkamaganak kay Achab.
- 2 Mga Cronica 18:2mga 897 BC
At pagkatapos ng ilang taon, kaniyang nilusong si Achab sa Samaria. At ipinagpatay siya ni Achab ng mga tupa at baka na sagana, at ang bayan na kasama niya; at inupahan siya na umahon na kasama niya sa Ramoth-galaad.