Lumaktaw sa nilalaman

Beersheba

32 verses · 2 known names

Kilala rin bilang: Beer-sheba

31.2400, 34.8400 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Beersheba

Salain ayon sa aklat
  1. At sinabi ni David kay Joab, at sa mga prinsipe ng bayan, Kayo'y magsiyaon, bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan; at dalhan ninyo ako ng salita; upang aking maalaman ang bilang nila.

  2. At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem: at siya'y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at ibinalik niya sila sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.

  3. Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba.

  4. Sa gayo'y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na sila'y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel, sa Jerusalem: sapagka't hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat.

  5. At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon;

  6. Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom.

  7. Nguni't huwag ninyong hanapin ang Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala.