Skip to content

Pharaoh

138 talata

Mga talatang bumabanggit kay Pharaoh

Salain ayon sa aklat
  1. At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon.

  2. At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay.

  3. At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon, na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon, na sinasabi, Bakit kayo'y mapanglaw ngayon?

  4. At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon, at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon.

  5. Sa loob ng tatlong araw ay ititindig ni Faraon ang iyong ulo, at isasauli ka sa iyong katungkulan: at ibibigay mo ang saro ni Faraon sa kaniyang kamay, na gaya ng karaniwang ginagawa mong dati ng ikaw ay kaniyang katiwala.

  6. At nangyari nang ikatlong araw, na siyang kapanganakan kay Faraon, na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod: at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro, at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay.

  7. At ibinalik niya ang puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon:

  8. At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, dahil sa trigong kanilang binibili: at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon.

  9. Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain ay naging kay Faraon.

  10. At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon.

  11. At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito, na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi, liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon.

  12. Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Faraon, Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang sisiwa sa mga babaing Hebrea, na makapagalaga sa iyo ng batang ito?

  13. At sinabi sa kaniya ng anak ni Faraon, Yumaon ka. At ang dalaga ay yumaon, at tinawag ang ina ng bata.

  14. At sinabi ng anak ni Faraon, sa kaniya, Dalhin mo ang batang ito, at alagaan mo sa akin, at bibigyan kita ng iyong kaupahan. At kinuha ng babae ang bata, at inalagaan.

  15. At ang bata ay lumaki, at kaniyang dinala sa anak ni Faraon, at siya'y kaniyang inaring anak. At kaniyang pinanganlang Moises, at sinabi, Sapagka't aking sinagip siya sa tubig.

  16. Halika nga ngayon, at ikaw ay aking susuguin kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel.

  17. At sinabi ni Moises sa Dios, Sino ako, upang pumaroon kay Faraon, at upang ilabas sa Egipto ang mga anak ni Israel?

  18. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pagkabalik mo sa Egipto, iyong gawin nga sa harap ni Faraon ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay: datapuwa't aking papagmamatigasin ang kaniyang puso, at hindi niya tutulutang yumaon ang bayan.

  19. At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay:

  20. At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nagsipasok, at sinabi kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang.

  21. At sinabi ni Faraon, Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong yumaon ang Israel? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel.

  22. At sinabi ni Faraon, Narito, ang mga tao sa lupain ay marami na ngayon, at inyong pinapagpapahinga sila sa mga atang sa kanila.

  23. At ng araw ring yaon ay nagutos si Faraon sa mga tagapagpaatag sa bayan at sa kanilang mga puno, na sinasabi,

  24. At ang mga tagapagpaatag sa bayan, ay nagsilabas, at kanilang sinalita sa bayan, na sinasabi, Ganito ang sabi ni Faraon, Hindi ko kayo bibigyan ng dayami.

  25. At ang mga pinuno sa mga anak ni Israel na ipinaglalagay sa kanila ng mga tagapagpaatag ni Faraon, ay nangapalo, at sa kanila'y sinabi, Bakit hindi ninyo tinapos ang inyong gawain kahapon at ngayon, sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati?