Lumaktaw sa nilalaman

Pharaoh

138 talata

Mga talatang bumabanggit kay Pharaoh

Salain ayon sa aklat
  1. At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios.

  2. At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.

  3. Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto, kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.

  4. Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

  5. Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon.

  6. At ang hukbo ni Faraon ay lumabas sa Egipto: at nang mabalitaan sila ng mga Caldeo na nagsisikubkob ng Jerusalem, ay nagsialis sa Jerusalem.

  7. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin: Narito, ang hukbo ni Faraon, na lumabas upang tulungan kayo, ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain.

  8. At nangyari, na nang umurong sa Jerusalem ang hukbo ng mga Caldeo dahil sa takot sa hukbo ni Faraon,

  9. Magtangan ka ng mga malaking bato sa iyong kamay, at iyong kublihan ng argamasa sa nalaladrillohan, na nasa pasukan ng bahay ni Faraon, sa Taphnes sa paningin ng mga tao sa Juda;

  10. At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay.

  11. At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.

  12. Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa.

  13. Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;