Lumaktaw sa nilalaman

Mga Awit114

Pinangunahan ng Diyos ang Israel palabas ng Egipto

1
Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika;
2
Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop.

Tumugon ang Kalikasan sa Presensya ng Diyos

3
Nakita ng dagat, at tumakas; ang Jordan ay napaurong.
4
Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.

Patulang Pagtatanong sa Sangnilalang

5
Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
6
Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa; sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?

Ang Presensya ng Panginoon ay Nangangailangan ng Pagkamangha

7
Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng Dios ni Jacob;
8
Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato. Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.
Use arrow keys to navigate
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Reading Width 45 chars

Options