Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Spiritual Peace

65 talata · 53 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo.

  2. Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

  3. At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Israel ng Dios.

  4. Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,

  5. Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;

  6. At siya'y naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:

  7. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

  8. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

  9. Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.

  10. At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.

  11. At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.

  12. ¶ Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

  13. At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

  14. Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.

  15. Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,